Bayang nakakabaliw, perlas ng silanganan, alab ng galit, sa dibdib moy uhaw … lupang kawawa, duyan ka ng korapsyon .. haaaay …
Paumanhin sapagka’t ako’y isang probinsyano.
Ang buhay Maynila naman talaga o. Nung nasa probinsya pa ako, hindi ko ‘to naranasan. Walang pakialam, di ramdam ang paghihirap … buhay ay simple at masagana. Ngunit habang ako’y napadpad dtio sa Maynila’t namulat sa kamusmusan at paghihirap sa bawa’t kantong napupuntahan, ako muli’y nangarap maka-uwi sa amin sa probinsya, oo probinsya.
Karamihan ngayo’y nangangarap makapunta ibayong dagat upang makakita ng swerte at masaganang buhay. Oo, at ako din ay nangarap. Ngunit ang oras mo nama’y ubos — ugod sa pagtatrabaho upang malampasan pa ang dating probinsyanong kasaganahan, na sana’y para sa asawa’t anak.
Pero kung uuwi naman ako sa probinsya at sweldo’y katamtaman lamang pambili ng pagkain sa lamesa … parang di bale na lang.
Ngunit parang iba ngayon. Ang nasa-isip ko’y mapaliban lang muna ang ninanais kong makamtang kasaganahan at manatiling masipag at mag-ipon para umuwi sa probinsya …
at mag….
ASAWA.. hahahahahaha!
Simple. Masagana. Tahimik. May oras. Kasama ang mahal sa buhay. Kasama ang Pamilya. Malayo sa kamundohan. Sariwa ang hangin.
Un lang pala eh .. hehehehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment